Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Binawing lisensiya ng guidance counselor, 1 taon pa bago puwedeng mag-apply uli

August 16, 2019

DR. PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA / MAGTANONG KAY ATTORNEY

 

 

 

 

    

Dear Chief Acosta,

Anim na buwan na ang naka­lipas matapos ipag-utos ng Professional Regulatory Board of Guidance and Counseling ang revocation ng aking Certificate of Registration. Kailan kaya maaaring mai-reissue ang aking Certificate of Registration? — Olivia

 

Dear Olivia,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 25 ng Republic Act No. 9258 na mas kilala bilang “Guidance and Counseling Act of 2004” kung saan nakasaad ang sumusunod:

 

Section 25. Reinstatement. – A person may apply to the Board for reinstatement of a certificate the issuance of which has been duly revoked at any time after the expiration of one (1) year from the date of revocation of the said certificate. The application shall be in writing and shall conform to requirement provided by the Board. No certificate shall be reinstated unless the Board is satisfied that a good cause exists to warrant such reinstatement.” (Binig­yang-diin)

 

Ibig sabihin, matapos ang isang taon mula nang revocation ng inyong Certificate of Registration ay maaari kayong magsumite ng aplikasyon sa Professional Regulatory Board of Guidance and Counseling upang ma-reinstate ang inyong sertipikasyon. Ang nasabing aplikasyon ay nararapat na nakapaloob sa isang kasulatan at sang-ayon sa mga alituntunin ng Professional Regulatory Board of Guidance and Counseling at mag­ka­karoon lamang ng reinstatement kung sakaling magdesisyon ang Professional Regulatory Board of Guidance and Counseling na may angkop na dahilan tungkol dito. Sa inyong sitwasyon, hindi pa kayo maaaring maghain ng aplikasyon upang ma-reinstate ang inyong Certificate of Registration dahil hindi pa natatapos ang isang taon mula nang revocation nito.

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karag­dagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr