Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bagong traffic policy ng MMDA sa Edsa, anti-poor!

August 16, 2019

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

 

  

 

    

        

MGA MAHIHIRAP NA NAGBa-BUS ANG NAHI­HIRAPAN SA TRAFFIC POLICY NG MMDA SA EDSA — Maituturing na ‘pangmaya­man’ ang ‘bus yellow lane policy’ ng MMDA sa EDSA.

 

Mantakin n’yo, 'yung mahihirap na mamamayan na bus lang ang kayang sakyan patungo sa kanilang pupuntahan ang pinahihirapan sa biyahe para ‘yung mayayamang de-kotse ay hindi maipit ng trapik sa EDSA, buwisit!

 

◘◘◘

 

KUNG NOON PA INAMIN NI SEN. DELA ROSA NA TUMATANGGAP SIYA NG “REGALO”, MALAMANG, NATALO SIYA SA ELEKSIYON—Matapos sabihin ni P-Duterte na oks lang sa kanya na tumanggap ng “regalo” ang mga pulis, inamin ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na noong nasa police service pa siya ay tumatanggap din daw siya ng “regalo”.

 

Kung noong kandidato pa lang siya ay sinabi na niyang tumatanggap siya ng ‘regalo’, malamang, pagkatalo ang inabot niya sa eleksiyon kasi malinaw sa batas na ang pulis ay dapat nagseserbisyo at nagpoprotekta sa mamamayan nang walang kapalit, boom!

 

◘◘◘

 

BIR, STL BETS AT EX-PCSO OFFICIALS, DAPAT GISAHIN SA SENADO—Noong November 24, 2016, kinasuhan ng P959 million tax evasion ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang STL operator na Batangas Enhanced Technology Systems (BETS), pero sa kabila na may ganyan kalaking pagkakautang ito (BETS) sa gobyerno ay pinayagan pa rin nina ex-PCSO Chairman Jose Corpuz at ex-PCSO General Manager Alexander Balutan na makapag-operate ito ng STL sa Batangas.

 

Kaya sa gagawing imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ni Sen. Richard Gordon sa mga ano­malya sa PCSO, dapat ipatawag sina Commissioner Dulay, Management ng BETS, Corpuz at Balutan, tapos gisahin sila kung ano ang dahilan at nakapag-operate uli ng STL ang BETS sa Batangas, period!

 

◘◘◘

 

DILAWANG JUETENG LORDS SA TAR­LAC, DAPAT IPATOKHANG NI PNP CHIEF GEN. ALBAYALDE—Noong panahon ni ex-P-Noy ay namayagpag ang pa-jueteng ng supporter nitong si “Bebot” sa Tarlac at nang ipatigil ni P-Duterte ang operasyon ng STL, ang ginawa ng gambling lord na ito ay nagpa-jueteng na naman sa lalawigang ito.

 

Paging PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, pakitokhang nga ang mga dilawang jueteng lords na ito, plis lang!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr