Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

BUWISIT NA BUWISIT SA KATRABAHO NA SOBRANG ANGAS AT DAIG PA ANG AMO

August 16, 2019

 

Dear Roma,

Ako si Ash, 22 years old. Sumulat ako dahil nahihirapan na talaga ako. Mayroon akong ka­trabaho na hindi ko na ma-take ang ugali. Sob­rang yabang niya, as in! Matagal na siya sa kum­panyang pinagtatraba­hu­han namin habang ako ay ilang buwan pa lang sa trabaho. Pasensiyoso akong tao, pero sobrang sagad na sagad na ako sa katrabaho kong ‘yun! Kung umasta siya, daig pa niya ang boss at tagapagmana ng kum­panya. Ano ang dapat kong gawin  para ma-handle ang ganitong klase ng tao?  — Ash

 

Ash,

Sadyang toxic kapag may ganyan kang klase ng katrabaho, ‘tol, pero, hindi nawawala ang mga ganyan kahit saang trabaho. Kung maiinis ka nang maiinis sa kanya, lalo ka lang matatalo dahil lahat na ng gagawin niya ay kaiinisan mo. May pagkakataon ding ang mga ganitong klase ng tao ay lalo pang gagawa ng mga bagay na ikaiinis mo para bumitiw ka sa trabaho mo. Chill lang, bro!  Pero, kung hindi mo na kaya ang ugali niya, mas makabubuting mag-explore ka na lang sa iba. Ang toxic na trabaho ay hindi ma­ganda sa kalusu­gan. Bata ka pa at marami ka pang opportunity na ma­ta­tang­gap. Kung hindi ka­yang aksiyunan ng kum­panya ang ganyang ugali ng ilang trabahador nila, hu­wag mo nang sayangin ang oras at panahon mo lalo na kung hindi ka na masaya sa ginagawa mo. ‘Yun lang. God bless!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr