Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

BLAZE SPIKERS, SA SEMIS NA; SANTOS, PINATAWAN NG P200-K

August 16, 2019

 

HINDI na pinaporma pa ng defending champion Petron ang Marinerang Pilipina, 25-18, 25-13, 25-11 at itinumba na ang huli tungo sa semifinals ng Philippine Super Liga All-Filipino Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre.

 

Malakas na laro ang ibinigay ni Aiza Maizo-Pontillas para sa Blaze Spikers at inilarga ang koponan sa naitarak na 12 puntos ng prestihiyosong women’s club tourney. May kabuuang 15 puntos si Maizo habang si Bernadeth Pons at skipper Frances Molina ay may pinagsamang 24 marka para sa Petron, na kinailangan ang 1 oras at 25 minuto para tapusin ang laban. Haharapin ng Blaze Spikers ang magwawagi sa iba pang quarterfinal battle ng Generika-Ayala at Cignal na maglalaro bukas. Samantala, pinatawan ng P200,000 na multa si Arwind Santos matapos gumawa ng “monkey gesture” laban kay TNT import Terrence Jones noong Miyerkules ng gabi sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals.

 

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, bukod sa multa ay kailangan rin mag-community service si Santos ng 100 oras at sumailalim sa seminar at counseling patungkol sa equality at racial discrimination. “Walang lugar ang racial discrimination sa basketball at sports in general at sa PBA in particular. Hindi pinahihintulutan ng liga ‘yung mga ganu’ng aksiyon, at kung maulit pa, mas mabigat na sanction ang ipapataw natin,” saad ni Marcial.

 

“Bilang Commissioner, humihingi ako ng pasensiya at pang-unawa kay Mr. Terrence Jones at sa kanyang pamilya. Ang PBA ay tahanan para sa lahat, bukas para sa lahat at walang kinikilalang kulay, lahi o paniniwala,” dagdag pa ni Marcial. Ipinatawag ni Marcial si Santos kahapon sa kanyang opisina makaraang siya’y nahuling sumasayaw na pawang ginagaya ang isang unggoy. Ito ay nakita ng mga netizens na napa­nood ang laro.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr