Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aktres, expert na kasi at huli na ang kiliti ng TV host… VALERIE, BALIK KAY WILLIE

August 16, 2019

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

 

 

 

GOOD news para sa amin ang balitang magiging co-host na rin sa Wowowin ang actress/host na si Valerie Concepcion na dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowee.

 

Malaking ginhawa ito para kay Revillame dahil mababa­wasan ang kanyang trabaho sa Wowowin. Gamay na gamay na ni Valerie ang pagho-host ng game show. Napaka-energetic pa niya at alive na alive ang audience kapag siya ang host.

 

Ganoon din naman si Do­nita Nose na dati ring galing sa Wowowin na kasabayan noon ni Super Tekla. Hasang-hasa na si Donita Nose sa takbo ng Wowowin. Kuhang-kuha na niya ang style ng pagpa­pasaya ni Willie sa mga studio audience.

 

Bagama’t may tatlo pang co-hosts si Revillame sa Wowowin, still, hindi niya puwedeng iwan sa kanila nang lubos ang pagho-host ng show. Hindi pa sila kasingsanay nina Valerie at Donita Nose.

 

Magge-guest na rin ulit sa show ang comedienne na si Boobsie Wonderland. Well, nawala man si Sugar Mercado sa Wowowin, at least, nakabalik naman si Donita Nose.

 

Kung magdaragdag man ng talent fee si Revillame kina Valerie at Donita Nose, hindi naman siya masya­dong mapapagod at mai-stress kapag may teyping.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr