Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

After maranasan ang sobrang hirap sa training… SIGAW NI NASH: MGA SUNDALO ANG DAPAT INIIDOLO, 'DI MGA ARTISTA!

August 16, 2019

 

 

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAK

 

 

ISA rin si Nash Aguas sa mga kasa­mahan ni Gerald Anderson na sumailalim sa tatlong araw na Scout Rangers training para maging reservist ng Philippine Army.

 

Sa mahabang Instagram post ni Nash ay ibinahagi niya ang hirap na pinagdaanan sa training to the point na gusto na raw niyang mag-quit sa unang gabi pa lamang.

 

“MAHIRAP is an understatement to describe the training both physically and mentally,” bungad ni Nash sa kanyang post.

 

“Physically mahirap dahil sa mga phy­sical training tulad ng mag-rappel ka sa 40ft tower, mag-marcha ka sa bundok ng may 15kg na bag plus rifle, patrolling (simulation ng engkuwentro sa kalaban), etc.. Ang pina­kapahinga mo ‘yung mase-mase (military exercise) at tusok ulo,” paglalarawan ng young actor sa mga hirap na dinaanan.

 

Naawa kami kay Nash sa kuwento niyang nilagnat pa raw siya at nu’ng nahulog ang pag­kain niya sa putik ay ipinakain pa sa kanya.

 

“Mentally mahirap dahil suwerte ka na ‘pag may dalawang oras na tulog ka, matu­tulog ka sa putik habang umuulan, papa­rusahan ka kahit wala kang kasalanan, nu’ng nilagnat ako ang sagot, mase-mase, kuma­kain kami ng sampung bilang ng nakadapa, tapos nu’ng nahulog ‘yung pagkain ko sa putik, ipinakain sa ‘kin ‘yun.”

 

Kaya sa sobrang hirap ay naisip na raw niyang mag-quit.

 

“FIRST NIGHT magku-quit na talaga ako to the point na tumakas ako para maka­tulog sa may bubong at makatawag sa bahay namin na sunduin na nila ako. Sa isip ko, ‘Bakit ba ako nag-volunteer?’ Hindi naman ako masel-masel para kayanin lahat ng matitinding physical activities. Kapag itinuloy ko, papatayin ko lang sarili ko.”

 

Pero napaliwanagan daw siya ng kani­lang sarhento at ipina-realize sa kanya na ito ang normal na buhay ng mga sundalo.

 

“‘Pag ikaw, nasa giyera, limited pagkain mo, nalaglag ‘yung sa ‘yo, aarte ka at mag­papakagutom? ‘Pag pinutukan ka ng kala­ban, kailangan mo dumapa, eh, ang natapat sa ‘yo, tae ng kalabaw, magpapabaril ka kasi kadiri?

 

“Kaya lagi nila sinasabi sa ‘kin, ‘Positive thinking’ lagi. Seeing the good in every shitty situation you are in (minsan literal).

 

“Ang main point ng training is tatang­galin nila lahat ng civilian ways mo, pride, kaartehan, ego, etc. tapos ibi-build ka nila to be a better person.

 

“Dahil du’n at dahil na rin sa mga naka­kuwentuhan kong sundalo na kasama na­min sa klase na nagkuwento ng kani-kani­lang buhay, KINAYA ko,” saad pa ni Nash.

 

Nakaya naman niya ang napakahirap na training at na-realize na ang mga sundalo raw talaga ang dapat na iniidolo ng mga tao at hindi silang mga artista.

 

“Wala pa po sa kalingkingan ang ginawa namin pero napakalaki po ng naging epekto nito sa buhay namin. Habang buhay ko po babaunin lahat ng aral na itinuro sa ‘min ng ating mga sundalo.

 

“Hindi po kaming mga artista ang dapat may fans, hindi po kami dapat iniidolo, kayo pong mga sundalo ang tunay na idol dahil sa panahon ngayon, tayo mismong mga Pili­pino, nag-aaway-away, naghihilahan pababa, kayong mga sundalo ang may nag-aalab na pagmamahal sa mga Pilipino at sa ating bansa. Sa­ludo po kami sa inyo,” pagta­tapos ni Nash.

 

Well, in fairness, minsan pa ay napahanga kami ni Nash dahil sa post niyang ito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr