Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Adik ka ba sa Instagram, Facebook etc.? MGA PARAAN PARA ‘DI MASIRA ANG PAG-IISIP SA SOBRANG PAGGAMIT NG SOCMED

August 16, 2019

 

 

NAKAUGALIAN na nating mga Pinoy ang mag-scroll sa social media para malibang, ngunit minsan, imbes na ma­libang, lalo lang nating nara­ramdaman na miserable ang buhay natin. Relate ka ba, sis at ‘tol?

 

Sey ng Journal of Social and Clinical Psychology, ang paggamit ng social media ay nakapagdudulot ng depression at lone­liness.

 

Ayon kay Franziska Ross ng Mental Health First Aid, noong nakaraang taon, ang Instagram ay ang pangalawa sa pinaka-po­pular na social media platform, ngunit aniya, ito ang pinaka-worst para sa mental health ng kabataan.

 

Sey ng mga expert, may mga paraan para maiwasan natin ang posibleng ma­samang dulot ng Instagram at iba pang socmed apps:

 

1. MAG-UNFOLLOW. Advice ng mga expert, i-unfollow natin ang account ng mga taong nagpo-post ng photos nila na nakapagbibigay sa atin ng feeling na napag-iiwanan na tayo sa ere. Makatutulong ito para maiwasan ang depression. Puwede naman natin silang i-follow kapag okay na tayo sa buhay natin, ‘di ba?

 

2. ITO AY APP LANG. Ito ay pu­numpuno ng mga highlight reel o ‘yung mga kaganapan sa buhay na patungkol sa mga tagumpay o kung ano pang bagay na gustong ipagmalaki o ipagmayabang. Hindi ito compilation ng tunay na mundo kung saan walang mga bagay na nadaraan sa editing at filters.

 

3. MAKISALAMUHA SA IBANG TAO. Kung mag-i-scroll lang tayo, maaari tayong makaramdam ng inggit. Ngunit, kung magpo-post o magko-comment tayo, may posibilidad na magkaroon tayo ng konek­siyon na maaaring maging simula ng friend­ship. Kaya, mga sis at ‘tol, kung mayroon kang nakitang magandang post na nakapag­pasaya sa iyo, comment-comment din ‘pag may time!

 

4. LAGYAN NG LIMITASYON ANG PAGGAMIT NITO. Ayon sa pro­fessor of Psychology na si Jelena Kecma­novic, kailangang magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng kahit na anong social media app. Maglaan tayo ng oras at panahon para sa mga taong nakasasalamuha natin sa araw-araw. Sa ganitong paraan, magiging healthy ang ating social state at maiiwasan natin ang depression.

 

5. TINGNAN ANG POSITIBONG DULOT NITO. Sey ni Ashley I. ng Live24 Studio, makatutulong din ang mga bagay na nilalaman ng Instagram kung gagawin natin itong inspirasyon at motibasyon sa buhay. Imbes na makaramdam tayo ng inggit, matsa-challenge tayong magsikap para umangat ang estado ng ating pamumuhay.

 

Kaya, mga sis at ‘tol, make sure na gagawin natin ito para hindi na tayo maging negatron dahil sa Instagram o social media.

 

Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr