Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

ALTAS, ‘DI PAPALAPA SA RED LIONS, CSB, MATIBAY?

August 16, 2019

 

Matinding larong tampok ang mga walang talong koponan ang mapapanood ngayon sa pagpapatuloy ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre.  Sisikapin ng defending champion San Beda University at College of Saint Benilde na mapanatiling malinis ang kanilang 5-0 kartada sa magkahiwalay na laro.

 

Bubuksan ng San Beda ang aksiyon sa ganap na alas-12:00 ng tanghali kontra sa University of Perpetual Help System-Dalta (2-4). Haharapin ng St. Benilde ang Lyceum of the Philippines University (5-1) sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

 

Masasabing ang Lyceum ang unang matinding pagsubok para sa Blazers. Magandang balita para sa CSB ang pagbabalik ni Justin Gutang galing sa pagkapilay at ito ay nakatulong para umangat ang laro ng mga kakamping sina Clement Leutcheu, Yankie Haruna, Jimboy Pasturan at Robi Nayve. 

 

Nais ipakita ng Pirates na sila pa rin ay isa sa mga paborito ngayong taon matapos pumangalawa sa San Beda noong 2017 at 2018.

 

Aasahan nilang muli sina Jaycee at Jayvee Marcelino, Mike Harry Nzeusseu at kapitan Reymar Caduyac.

 

Liyamado ang Red Lions kontra sa Altas dahil sa lalim ng kanilang kopo­­nan sa pamumuno nina Evan Nelle, Calvin Oftana, James Canlas Kwekuteye at Donald Tankoua. Kailangang hanapan ng Altas ng paraan upang sumigla ang kanilang kampanya lalo na at mahusay ang inilalaro nina Edgar Charcos at Ben Adamos na lalaro sa unang pagkakataon kontra sa dati niyang paaralan matapos ang isang taon ng kanyang paglipat. 

 

Samantala, susubukan ng Mapua University (2-5) na pahabain ang sunud-sunod na panalo sa tatlo sa pagharap nila sa Jose Rizal University (3-4) sa ganap na alas-2:00 ng hapon.

 

Wagi ang Cardinals sa huli nilang dalawang laro sa Arellano University (73-64) at Emilio Aguinaldo College (76-66), salamat sa ipinakitang laro nina Laurenz Paul Victoria at mga rookie na sina Cyril Gonzales at Paolo Hernandez.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr