Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

TV host, 'di nakapagpigil, sumabog… SIGAW NG NETIZEN: MMFF MOVIE NINA KRIS AT GABBY, SURE NA FLOP!

August 15, 2019

Nitz Miralles / BIDA 

 

SINAGOT ni Kris Aquino ang basher niyang nag-hashtag ng #flopyanforsure na ang tinutukoy ay ang MMFF entry nina Kris at Gabby Concepcion na (K)Am­pon kahit nakaka-first day shooting pa lang noong isang araw.

 

Ayaw na lang siguro ni Kris na humaba pa ang isyu dahil pati ang mga fans niya, inaway ang basher, kaya dinelete ang comment nito at ang sagot na rin ng TV host.

 

Oo nga naman, napaka-positive at ang saya ni Kris nang bisitahin si Gabby sa first day shooting ng aktor sa movie nila, tapos may basher na agad magne-nega lalo’t sa Amerika naman nakatira.

 

Hindi nasira ng basher ang mood ni Kris dahil sa video ng pagbisita niya kay Gabby, ibinigay nito ang marami niyang pasalubong sa aktor kabilang ang malaking water container at iba pang goodies.

 

May pasalubong din si Kris sa manager ni Gabby na si Popoy Caritativo na isa sa mga gumawa ng paraan para matuloy ang (K)Ampon, na sabi ni Kris, kundi pumayag si Gabby, hindi matutuloy ang MMFF entry at masasayang ang paghahanda nila at ang bond na ibinayad nila sa MMFF.

 

Ipinagmalaki rin ni Kris ang equipment na ginagamit sa shooting, hindi raw nag­tipid ang mga producers na kinabibi­langan niya, ng Spring Films at Quan­tum Films.

 

Sa pag-uusap ng dalawa, in-offer-an ni Kris si Gabby na iko-co-produce niya ang reunion movie nito with Sharon Cuneta.

 

Sabi ni Gabby, willing siyang gawin ang movie at kahit sa araw na ‘yun, magsimula na ang shooting. Sagot ni Kris, unahin muna nilang tapusin ang (K)Ampon at next year na nila gawin ang reunion movie ng aktor at ni Sharon.

 

Nagkaroon ng pag-asa ang mga fans nina Sharon at Gabby na matutuloy na ang reunion movie ng dalawa at humirit sila kay Kris kung puwedeng pati concert nina Sharon at Gabby ay iprodyus na rin niya.

 

Wala pang reaction si Sharon sa napag-usapan nina Kris at Gabby, kaya hindi pa alam ng mga fans kung papayag siyang maging co-producer ng reunion movie nila ni Gabby si Kris.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr