Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Regalo raw sa sarili dahil na-stress siya… KRIS, BUMILI NG HALOS P.5 MILYONG CHANEL BAG DAHIL NAKALIGTAS SA LINDOL SA JAPAN

August 15, 2019

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

IMBIYERNA na naman kay Kris Aquino ang mga bashers niya dahil sa recent video niya sa Facebook ng shopping at unboxing ng kanyang Chanel bag na binili niya matapos makaligtas sa lindol sa Japan.

 

Karakter talaga si Kris na nagli­tanya pa kasi sa video ng, “Ipinaalala n’yo po sa akin na lumin­dol, and because lumindol, kailangang mag-Chanel ‘cause I’m alive.

 

That’s where I’m going right now, in the exact Chanel kung saan ako nagkuwento because of the lindol, ‘cause I was alive then.

 

“So, I’m going there now because I deserve earrings and naku, sa hilong inabot ko naman, let’s make it a bag.”

 

Ang maliit lang naman na bag na binili ni Kris sa Chanel store sa Japan ay tinawag na “Side Packs” na kasama sa Chanel’s Spring/Summer 2019 collection.

 

But take note kung magkano raw ang Chanel bag na ‘yun… P410,000 lang naman o less than half a million pesos, huh!

 

Katwiran pa ni Kris, “This is my gift to myself because I’m alive and because wala namang mag­bibigay sa akin, so ako na lang.”

 

Ibang klase talaga ang trip ni Kris, ‘pag na-stress, buy ng Chanel bag!

 

Komento tuloy ng isang netizen sa naturang FB video ni Kris, “Buti pa si Krissy, after lindol, buy-buy ng Chanel. Kami after lindol, dasal-dasal lang para safe, ahahahah!”

 

Kris Aquino is Kris Aquino, ‘yun lang ‘yun!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr