Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kung todo-ayaw noon… GABBY, PAYAG NANG MAKASAMA ULI SI SHARON DAHIL KAY KRIS

August 15, 2019

 

 

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAK

 

 

HINDI namin alam kung naintindihan ba ni Gabby Concepcion ang tanong sa kanya ni Kris Aquino kung may chance ba next year na matuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta dahil sumagot ito agad ng “yes” hindi pa man natatapos ang tanong.

 

Sey ni Gabby, “Gawin na natin, let’s shoot. When? First day?”

 

Tinapos ni Kris ang tanong at ganu’n pa rin ang sagot ni Gabby. “‘Di ba, sinabi ko na? I already answered you, when are we going to shoot? You didn’t even ask me that question but I knew it was coming.”

 

Dugtong pa ni Gabby, “Bukas na,” na ang ibig sabihin ay shooting na bukas. Sagot naman ni Kris, tapusin daw muna nila ang K(Ampon).

 

Sabi pa ni Kris, “I’m going to ask, if I text her, and I say you said that?”

 

Sagot naman ni Gabo, “Game, matagal na akong go.”

 

Ang naturang interview ay naka-upload sa YouTube channel ni Kris at naganap ito sa surprise visit niya sa first shooting day ni Gabby for K(Ampon).

 

As we all know, si Gabby na ang pumalit kay Derek Ramsay bilang leading man ni Kris sa naturang pelikula na pang-Metro Manila Film Festival ngayong December.

 

Tuwang-tuwa naman si Kris na umoo si Gabby sa reunion project with Sharon at siya raw mismo ang magri-reach out para matuloy.

 

Ay, I’m so excited for that. Can you call it Dear Heart Part 2?” sabi ni Kris.

 

Well, let’s wait and see kung matutuloy ito dahil wala ngang producer na makapag-materialize ng Sharon-Gabby reunion movie and base sa sinabi ni Megastar, si Gabo ang tumanggi na gawin ito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr