Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Feeling nasa langit na kaya? KAPAMILYA ACTRESS AT MANAGER, NAG-OBER DA BAKOD NA SA SIYETE

August 15, 2019

BLIND ITEM:

NAKITA sa building ng GMA Network ang isang Kapamilya actress kasama ang kanyang manager. Binati pa nga ng Kapamilya actress ang Kapuso actor na nakakita sa kanya, kaya ibig sabihin, hindi niya itinatago ang pagbisita niya sa Kapuso Network.

 

Hindi rin sinabihan ni Kapamilya actress ang kaibigang Kapuso actor na ‘wag ikuwento na nakita siya sa GMA Network. Pero kunsabagay, hindi rin naman ito naikuwento ng aktor.

 

Kaya lang, may mga tao sa Kapuso Net­work na nakakita sa Kapamilya actress at isa sa kanila ang nagtsika sa amin.

 

Tanong pa nga ng source namin, wala na bang kontrata sa ABS-CBN ang young actress at kung may balak itong lumipat ng network dahil bakit nasa GMA-7?

 

Kamakailan lang, nagkaroon ng isyu sa Kapamilya actress, pero hindi na namin isu­sulat para walang clue. Pero siguro nga, wala na siyang kontrata sa ABS-CBN kaya mala­kas ang loob niya at ng kanyang manager na magpunta sa GMA Network.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

December 8, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr