top of page
Search
  • Lee Vin Nia

Sa Oct. 12 na! LEE SEUNG GI, MAKIKIPAG-BONDING SA MGA FANS SA 'PINAS!

WALANG pagsidlan sa tuwa ang mga fans dito sa Pilipinas ng South Korean superstar na si Lee Seung Gi nang inanunsiyo last Thursday na finally ay magkakaroon na ng fan meeting sa bansa ang tinaguriang “Triple Threat Star” ng SoKor.

Applewood, a global entertainment agency, made the announcement on all its social media account that Lee Seung Gi will be having a fan meeting (FM) in Manila on October 12, 2019 as part of the Vagabond Voyage Asia Fan Meeting.

Kasabay na rin nito ang announce­ment ng dates ng FM in other Asian countries tulad ng Bangkok (Oct. 12), Singapore (Oct. 26) and the last stop, Kuala Lumpur (Nov. 30).

The moment the announcement was made, talaga namang parang tumama sa lotto ang Airen Philippines (official fan club ni LSG) sa sobrang kasiyahan dahil for the last 9 years, ito talaga ang laman ng prayers nila (and of course, kasama na kami roon) – na sana, one day ay makarating naman ang aktor/singer sa ‘Pinas.

Para sa Airen PH, this is the moment they’ve/we’ve been waiting for at ang iba nga’y nagkomento pa na gusto nilang maiyak sa sobrang tuwa.

Bago ito ay nauna nang nagkaroon ng Vagabond Voyage si Lee Seung Gi sa Japan (the first FM for this year) last June 29 at sumunod naman sa Taipei noong July 20.

Ang Vagabond ang upcoming and much-anticipated Korean spy-action drama ni Lee Seung Gi na may whopping budget of 25 billion won. Ito na ang pinakamalaking drama ng aktor sa kanyang career kaya naman ngayon pa lang ay napakarami nang excited na mapanood ito.

Ito rin ang reunion project nina LSG at Bae Suzy matapos silang unang magkasama sa Gu Family Book in 2013.

Vagabond will premiere on September on SBS and Netflix simultaneously.

Bukod sa Vagabond, nakatakda ring magsimula bukas (August 12), ang bagong variety show ni Lee Seung Gi sa SBS pa rin na Little Forest kasama ang actor na si Lee Seo Jin na best friend din niya in real life.

Kasalukuyan din siyang napapanood sa isa pang variety show on SBS na Master in The House every Sunday.

Kasama rin si Lee Seung Gi sa Season 2 ng Netflix Original variety show na Busted na malapit na ring magsimula.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page