top of page
Search
  • BULGAR

Sakit ng ulo, bad breath at masakit na ngipin, mga sintomas ng malalang sinusitis

Dear Doc. Shane, Dahil sa paiba-ibang panahon, sumama ang pakiramdam ko. Madalas, barado ang ilong ko. Ang sabi ng workmate ko, baka raw sinusitis ito. Ano ba ang sintomas ng sinusitis at ano ang dapat kong gawin para rito? Sobrang naapektuhan na nito ang trabaho ko dahil hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. — Eunice

Sagot Ang sinusitis ay ang pamamaga ng mga tissue na nakapalibot sa sinus. Ang malusog na sinus ay puno ng hangin subalit, kung ito ay namamaga, barado at puno ng tubig, ang mga mikrobyo ay maaaring magpugad dito at maging sanhi ng impeksiyon.

Narito ang mga pangunahing sintomas ng pagbabara at pamamaga ng sinus:

  • sipon

  • allergic rhinitis o pamamaga ng lining ng ilong

  • nasal polyps o maliliit na bukol sa lining ng ilong

Para sa acute sinusitis:

  • pananakit ng mukha dahil sa pressure

  • baradong ilong

  • runny nose

  • pagkawala ng pang-amoy

  • pag-ubo

  • lagnat

  • mabahong hininga

  • pananakit ng mga ngipin

Para sa chronic sinusitis:

  • pakiramdam na parang namamaga ang mukha

  • pagkakaroon ng bara sa ilong

  • pagkakaroon ng nana na lumalabas sa ilong

  • pananakit ng ulo, mabahong hininga at pananakit ng ngipin

Gayunman, kung may sinusitis, ang doktor ay maaaring magrekomenda na uminom o gumamit ng decongestant o saline nasal drops. Pero tandaan, huwag abusuhin ang paggamit ng mga decongestant. Kailangang ihinto ang paggamit nito sa loob ng tatlong araw dahil puwede rin nitong palalain ang pagbabara ng ilong.

Kung ang doktor ay magbibigay ng antibiotic, kailangan itong inumin sa loob ng 10 hanggang 14 araw. Kadalasan, naaalis ng pag-inom ng gamot ang mga sintomas. Kung may chronic sinusitis, makatutulong ang paglanghap ng mainit subalit, mamasa-masang hangin. Puwedeng gumamit ng vaporizer o singhutin ang singaw ng kumukulong tubig.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page