top of page
Search
  • A. Servinio

LETRAN, INILIGPIT ANG UPSHD SA OVERTIME, LPU NAKABAWI


KINAILANGAN ng Colegio de San Juan de Letran ang overtime para mailigpit ang University of Perpetual Help System-Dalta, 82-80, sa pagbabalik ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre, Biyernes ng ha­pon. Ibinigay nina Jeo Ambohot at Edson Batiller ang mga mahahalagang puntos sa overtime upang matala ng Knights ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos matalo sa pagbukas ng liga noong Hulyo 7.

Ipinasok ni Ambohot ang sarili niyang mintis upang ibalik ang kalamangan sa Letran, 81-80, at sinayang ng Altas ang pagkakataon nang itapon ni Edson Batiller ang bola na may apat na segundong nalalabi sa orasan.

Tumawag ng timeout si Coach Bonnie Tan at napilitan ang Altas na bigyan ng foul si Batiller na ipinasok ang isa sa kanyang dalawang free throw para sa huling tala at hindi naipasok ni Jielo Razon ang tira, sabay tunog ng huling busina.

Si Charcos ang nagtakda ng overtime matapos niyang ipasok ang tres na may limang segundo sa fourth quarter. Sinubukan ni Jerrick Balanza na ipanalo agad ang laro, pero kinapos ang kanyang basket.

Samantala, bumawi ang Lyceum of the Philippines University sa masakit nilang pagkatalo noong nakaraang linggo at ibinuhos ang kanilang lakas sa Mapua University, 79-71.

Nagtrabaho agad ang Pirates at ipinasok ni Ralph Tansingco ang 12 ng kanyang 14 puntos sa unang quarter pa lang upang itayo ang 29-21 na kalamangan. Kahit hindi na masyadong pumuntos si Tansingco, sina Jaycee Marcelino, Reymar Caduyac, Jeff Santos at Jayson David ay nagtulungan upang alagaan ang kanilang lamang.

Gumawa rin ng 14 puntos at 7 rebounds si Marcelino. Nag-ambag ng 12 si Caduyac, 11 points kay Santos at 10 at 12 rebounds si David upang umangat sa 2-1 panalo-talo habang bumagsak sa 0-3 ang Cardinals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page