Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Department of OFW kasado na — Duterte

 

IPINANGAKO ni Pa­ngulong  Rodrigo  Duterte ang paglikha ng hiwalay na executive department para sa mga overseas Filipino worker sa Disyembre.

 

Ayon kay P-Duterte, mamadaliin niya ang pagta­tatag nito kung saan ang lahat ng gagawing  recruitment ng mga Filipino migrant worker ay nasa ilalim na ng super­bisyon ng gobyerno.

 

Apurahin ko ‘yang Department of OFW,” ani P-Duterte sa kanyang ta­lumpati sa Araw ng Pasa­salamat sa OFW sa Camp Aguinaldo, Quezon City, kamakalawa.”

 

“Bawal na ‘yang re­cruit­ment diyan  sa  labas that kind of mechanism of recruiting Filipino workers abroad has been abused and abused and abused. Mga kababayan ko puro biktima, puro kawawa,” ayon pa sa pangulo.

 

Tiniyak din ni P-Duterte na sa ikalawang linggo ng susunod na buwan ay may­roon nang framework para sa bagong ahensiya.

 

Matatandaang, si Sena­tor Christopher ‘Bong’ Go ang nagsumite ng panukala para sa pagbuo ng bagong de­par­tamento at inaasahang se­sertipikahan ito ng pangulo bilang urgent bill.

 

Nakapaloob sa kanyang Senate Bill 202 o  Depart­­ment of Overseas Filipinos Act of 2019 na magsisilbing um­brella agency ang De­part­ment of Overseas Filipinos na tututok sa lahat ng isyu at concerns ng mga OFW at ka­nilang pamilya sa Pilipinas.

 

Samantala, nakatakdang magpulong sa pangunguna ng Department  of  Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Adminisration (OW­WA) at Philippine Over­seas Em­ployment Administra­tion (POEA) para pag-usa­pan at paghandaan ang kau­tusan ni P-Duterte.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr