Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

23 PATAY SA BANGGAAN NG TREN

July 14, 2019

NASAWI ang 23 katao habang sugatan ang 73 iba pa matapos ang banggaan ng dalawang tren sa Central Pakistan.

 

Nabatid na nabangga ng pampasaherong tren mula sa Lahore ang nakahintong tren sa Rahim Yar Khan District sa probinsiya ng Punjab.

 

Ayon sa senior official ng Pakistan Railways, nadag­dagan ang bilang matapos masawi ang ilang isinugod na biktima sa iba’t ibang ospital.

 

Kinumpirma rin nito na naalis na ng mga rescuer ang lahat ng biktima sa pinangyarihan ng insidente.

 

Nakatutok na aniya ang mga awtoridad sa pag-aayos ng track line ng tren.

 

Dahil dito, ipinag-utos ni Prime Minister Imran Khan sa railways minister na gumawa ng agarang aksiyon para matiyak ang safety standards ng mga tren.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr