Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Utos ng Dept. of Finance | MAGPOPONDO NG BULACAN AIRPORT, TALUPAN

June 14, 2019

 

MARAMI ang nagpasalamat sa hakbang ni Finance Sec. Sonny Dominguez na imbestigahan ang kakayahan ng isang kumpanya na maging kontratista sa pagtatayo ng Bulacan airport. 


Ito ay matapos lumabas ang isyu na ang San Miguel Holdings Corp. (SMHC) ay wala  umanong  kapasidad na magsagawa ng proyektong ito dahil sa mahinang asset. 


Base umano ito sa mga numerong ibinigay ng Department of Transportation kaugnay sa proyekto. 


Noong 2016, ang SMHC na subsidiary ng San Miguel Corporation ay may total equity na P60 billion na malayo umano sa P200 billion na requirement para humawak ng ganito kalaking proyekto. Kung saan gagastusan umano ito ng pinagsamang 70 percent na utang at 30 percent na equity sa ilalim ng Public-Private Partnership. 


Sinabihan pa rin ng DOF ang DOTr na lumagda ng joint at ilang liability agreements upang isama ang SMC   para tumulong sa SMCH para maresolba ang problema sa nasabing requirement. 


Gayunman, ayon sa representative ng Office of the President sa nagdaang NEDA Board meeting noong August 2018 na ang financial capability lamang ng proponent ang  daraan sa evaluation at hindi ang mother company.


Ang SMC ay pinamumunuan ng negosyanteng si Ramon Ang, na kilala umanong sumusuporta sa pagka-Speaker ni Rep. Lord Allan Velasco.  Hindi naman umano masama ang maging supporter sa mga kampo ng pulitiko subalit, ang masama ay ang gumamit ng pera upang pondohan ang unethical at immoral na gawain upang makakuha ng boto sa Kamara. 


Nilinaw naman na ang hakbang ng DOF ay hindi kontra sa progreso kundi upang masiguro umano na hindi madedehado ang pamahalaan sa mga darating na panahon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr