Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Taxi driver kinatay ng pasahero

June 14, 2019

 

BINURDAHAN ng saksak ang driver sa loob ng ipinapasadang taxi nang matagpuan ng mga nagrorondang barangay tanod sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.


Ilang saksak sa leeg, balikat at mukha ang tumapos sa buhay ng biktimang si Edgardo Egan, 54, residente ng Bgy. Mauway, Mandaluyong City.


Inaalam na ng  awtoridad ang pagkakakilanlan ng nag-iisang lalaking pasahero.


Ayon sa inisyal na ulat ni Pasay City Police Chief Col. Bernard Yang, nadiskubre ng mga nagrorondang tanod ang duguang bangkay ng biktima sa loob ng ELPA taxi (UVW 582) sa gilid ng FB Harrison malapit sa panulukan ng Gotamco St., Bgy. 16, Zone 1, alas-9:30 ng gabi.


Sa imbestigasyon, nawawala ang dash cam ng taxi at ang cellphone ng biktima habang narekober  naman ang kita nito sa pamamasada na nakakandado sa lalagyan.


Holdap ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng awtoridad na motibo sa pagpatay sa biktima.


Masusing sinusuri rin ang kuha ng CCTV sa lugar na maaaring makatulong sa imbestigasyon. Humihingi ng hustisya ang pamilya at kinakasama ng biktima na si Jacqueline Cabos.


Sa pahayag ni Cabos, may naikuwento sa kanya ang mister na hindi pagkakaunawaan sa trabaho at sinasabihang maghanap ng ibang trabaho.


Nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para sa ikadarakip ng suspek.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr