Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Shoutout sa lahat ng nakabusangot diyan... 5 THINGS KUNG BAKIT NABA-BADTRIP ANG TAO

June 14, 2019

 

 

BADTRIP, ito ang madalas sabihin ng mga beshy nating wala sa mood, lalo na kung kagigising lang, tapos, inaasar o iniinis pa. Ha-ha-ha! Pero, para sa mga beshy nating clueless kung bakit naba-badtrip kaagad ang  mga tao, narito ang ilang bagay na nakati-trigger ng bad mood:


1. BEING FORGETFUL. Nakaiinis kapag may kausap kang makalilimutin, lalo na kung bata pa at walang dahilan para makalimutan niya ang bagay na importante para sa iyo. Kaya kung may kakilala kayong ganito na madalas ninyong maka-encounter, maba-badtrip talaga kayo. Ha-ha-ha! 


2.  NON-SENSE. Sino ang hindi maba-badtrip kapag non-sense ‘yung kausap mo, ‘yung ang layu-layo ng sagot sa mga kuwento at tanong mo? Yes, besh, napabibilang sa kanila ‘yung  mga madalas na lutang at wala sa sarili.


3. ALWAYS PLAY MOBILE GAMES. Ooops, relate? Naku, ‘yung halos inubos na ang buong oras kalalaro ng mobile games, grrr! Badtrip talaga ‘yun, mga beshy!


4. REPEATING QUESTIONS. Normal ang pagtatanong, pero kung paulit-ulit, nakabubuwisit na rin, mga beshy! Kaya kung medyo kamot-kalimot kayo, make sure na isusulat na ninyo ang mga sagot nang sa gayun ay easy na lang ito para sa inyo kung sakaling makalimutan ninyo. 


5. BEING LAZY. Sabi nga ng mga magulang, “nakakainis, ang tamad-tamad mong bata ka!”, linya din ba ‘yan ng nanay ninyo, mga besh? Nakaiinis talaga kapag tamad ‘yung anak o kapatid mo, lalo na kung ‘yung isang piraso ng plato na pinagkainan niya ay hindi pa mailigpit at mahugasan. Grabe! 


Kaya kung ayaw ninyong ma-badtrip sa inyo ang mga kapamilya at kaibigan ninyo, make sure na dehins ninyo gagawin ang mga bagay na nasa itaas kung hindi, away ang mapapala ninyo. He-he-he!


Okidoki?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr