Kahit may Arjo na si Yaya Dub… JOSE, IBINULGAR ANG PAGHAHARUTAN NINA MAINE AT ALDEN SA SHOW

June 14, 2019

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAK

 

 

 

HINDI nararamdaman ni Jose Manalo na buwag na or pinaghihiwalay ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub) dahil wala naman daw pagbabago sa dalawa kapag magkakasama sila sa Eat… Bulaga!.

 

Sa Eat… Bulaga! kasi, siguro, ‘yung portion namin, maraming portion sa Bulaga, so bawat host, bini­big­yan sila ng kani-kanya. Merong time naman na magkasama. Minsan, kasama rin namin sila sa Juan for All (All for Juan), eh. Siguro, sa isang linggo, isang beses, dalawang beses, kasama namin sila. Hindi naman siguro pinaghihiwalay,” sabi ni Jose nang makatsikahan ng entertainment press sa mediacon ng StarStruck Season 7.

 

So, wala namang iwasan na nangyayari?

 

Wala, nag-uusap ‘yun, parang mga bata ‘yung dalawa na ‘yun ‘pag nag-uusap, ‘yung magbiruan. Masaya, masaya kami.

 

“‘Yung sweetness, nandu’n. Naghaharutan ‘yung dalawa,” sey pa ng komedyante.

 

Anyway, bago pala tinanggap ni Jose ang pagi­ging StarStruck Council, tinanong daw muna niya kung alam ba ito ni Joey de Leon since for the longest time ay napapanood din natin ito bilang hurado sa mga nakaraang seasons ng StarStruck.

 

Pero ang sabi nga raw sa kanya ay hindi naman regular ang mga nagiging judges sa StarStruck at alam din daw ito ni Joey.

 

Idol daw niya si Joey at siya naman ay first time pa lang na magiging council sa nasabing artista search kaya kumbaga ay bagitung-bagito pa siya. Pero siyempre, gagawin naman daw niya ang best niya sa trabahong in-assign sa kanya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr