Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Coma pa rin sa ICU… KINUMPIRMA NG DOKTOR: EDDIE, MILAGRO NA LANG PARA MAKALIGTAS

June 14, 2019

Ador Saluta / ADORE ME!

 

 

COMATOSE pa rin at kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Makati Medical Center si Ed­die Garcia simula nang siya’y ma-confine pagkatapos maaksidente ha­bang nagteteyping.

 

Ayon sa latest medical report na ipinadala sa PEP.ph ng family spokes­­person na si Dr. Tony Rebosa nu’ng magha-hating­gabi nang Miyerkules (June 12), stable na ang blood pressure ng vete­ran star matapos itong maka­ranas ng hypotension.

 

Saad ni Dr. Rebosa thru text, “Mr. Eddie Garcia has been having episodes of hypotension (low blood pressure) but BP (blood pressure) at the moment is now stable again.”

 

Nakaratay ngayon si Eddie ma­tapos matalisod at madapa sa taping ng upcoming Kapuso primetime series na Rosang Agi­mat noong Sa­bado (June 8). Nagtamo ng neck fracture ang veteran actor dahil dito.

 

Dahil hindi pa rin nagigising si Tito Eddie, milagro na lamang di­u­mano ang kailangan ng aktor upang maka­ligtas sa kanyang kasalu­ku­yang karam­daman.

 

Kaya naman ilang araw nang na­nanawagan ng dasal ang pamilya ng aktor para sa kanyang maagap na paggaling.

 

Sa FunFare column ni Ricky Lo sa The Philippine STAR kahapon (June 13) na may titulong Eddie Garcia may be taken off life support, isang source ang nagsabing si Eddie raw ay “unresponsive, practically brain dead, even if his heart continues to function normally, kung saan tinawag daw ang kondisyon ng aktor bilang “Glasgow coma, the lowest rate.”

 

Ayon kay Dr. Rebosa, ang pamilya lang daw ang makakapagdesisyon kung tatanggalin na lang ang life support na bumubuhay sa beteranong aktor.

 

Gayunpaman, maraming dasal pa talaga ang kailangan para kay Eddie.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr