Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

5 sasakyan nagkarambola, 6 nadale

June 14, 2019

 

SUGATAN ang anim katao kabilang ang dalawang sanggol makaraang magkarambola ang limang sasakyan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.


Dinala sa Taguig Pateros Hospital ang mga biktima na hindi pa pinangalanan.


Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente sa C-5 Mckinley southbound service road sa Taguig City alas-8:10 ng gabi.


Base sa ulat, kabilang sa nasangkot sa karambola ang dalawang taxi, isang van at dalawang truck


Base sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nawalan ng preno ang  isang trak at nabangga ang puting taxi na pumailalim pa sa naturang sasakyan na ikinasugat ng mga biktima kabilang ang dalawang sanggol hanggang sa madamay ang tatlo pang sasakyan.


Nauwi sa matinding trapik ang nasabing insidente matapos maokupahan ang dalawang lanes sa naturang kalsada.


Nagsasagawa na ng imbestigasyon sa insidente at nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak na mahaharap sa mga kaukulang kaso.
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr