Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pagsabog sa iskul, VCM natupok

May 17, 2019

 

NIYANIG ng malakas na pagsabog ang paaralan sa Zamboanga del Sur na nagresulta sa pagkasunog ng isang unit ng Vote Counting Machine (VCM) na nagamit nitong eleksiyon.


Nagulantang ang mga residente na naninirahan malapit sa San Pablo Central Elementary School kung saan sinasabing nagmula ang malakas na pagsabog nitong gabi ng Miyerkules.


Ayon kay Police Maj. Helen Galvez, ang pagsabog ay nasundan ng sunog dahilan para matupok ang isa sa siyam na VCM na nakaimbak sa silid-aralan.


Hindi naman napinsala ang iba pang gamit.


Nilinaw ni Galvez na ang mga VCM at gamit na nasa silid-aralan ay pawang depektibo at hindi gumana noong nakaraang eleksiyon.


Agad ding naapula ang sunog makalipas ang 10 minuto.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr