Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bebot na dehins knows kung ano ang sasabihin sa dyowa na walang taste sa pananamit

May 17, 2019

 

 

Dear Roma,

Ako si Mica. May BF ako and 3 years na kami sa August at mahal na ma­hal ko siya, we both wor­king  at may stable job na siya at wala siyang pi­nagkakagastusan since ‘yung parents niya ay nasa ibang bansa. Ever since na nagkakilala  kami ng BF ko ay napaka-unti­dy niyang tingnan. Mula nang  nakilala ko siya ay never siyang bu­mili nang maayos na da­mit, may mga instance na magde-date kami at todo ayos ako, pero ka­pag du­ma­rating siya daig pa niya ‘yung tatay kong nakapam­bahay. Hindi sa mina­maliit ko siya, ang gusto ko lang ay ma­ging presentable si­yang tingnan bilang binata na walang ibang pinagkakagas­tusan kundi ang sarili lang niya, kaya sana man lang, eh, magawa ni­yang ayusin ang kan­yang porma.  Minsan ko na si­yang sinabi­han, pero minamasa­ma niya. Ano ang da­pat kong gawin kasi nate-turn-off  na ta­laga ako, minsan gusto ko na lang pumunta sa bahay niya nang pali­him at kunin ‘yung mga da­mit niyang pang- 60’s at itago. — Mica

 

Mica,

Salamat sa pagba­ba­­­hagi sa amin ng iyong is­torya. Parte ng pag­ma­­mahal ang tangga­pin mo siya kung ano at kung sino siya, ngunit, kung may na­papansin  kang negati­bong bagay para sa kanya, ma­aari mo siyang kausa­pin tung­kol dito upang ma­pa­buti siya, pero tulad ng iyong nabanggit ay mina­masama niya ito. Marahil, makatutulong kung min­san ay rega­luhan mo siya ng damit na alam mong babagay sa kanya. Sa pa­ma­ma­gitan nang maayos na pag-uusap, masoso­lusyunan ninyo ang ba­gay na ‘yan, iha, tiwala lang. Okay? Good luck!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr