Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pulis binentahan | 4 KULONG SA DROGA

March 17, 2019

 

APAT na hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang tatlong babaeng nagbenta ng shabu sa pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.


Kinilala ni Navotas Police Chief Sr. Supt. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Ma. Teresa Enriquez, 47, ng Tondo Manila; Mariel Banta, 39, ng Bgy. Longos, Malabon City; Junica Tanghal, 26, ng Bgy. NBBS at Remigio Cabalquinto, 31, ng Bgy. Muzon, Malabon.


Ayon kay PO3 Philip Edgar Valera, alas-7:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PO1 Raymund Nagal ang buy-bust operation kontra kina Enriquez, Banta at Tanghal sa Blk. 28, Area 1, Bgy. NBBS.


Matapos iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu kay PO2 Christopher Alvarez na umaktong poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumapit ang back-up na operatiba at inaresto ang mga ito.


Timbog din ng mga operatiba si Cabalquinto matapos makitang umiiskor ng shabu kay Enriquez.


Nakumpiska sa mga suspek ang sampung plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr