top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Shoutout sa mga fresh graduate diyan... TIPS PARA MAGING CONFIDENT SA JOB INTERVIEW

No Problem

FOR sure, may mga beshy tayo ri­yan na patuloy na naghahanap ng trabaho kaya kung minsan, eh, kaliwa’t kanan ang job in­terview na kanilang pinupuntahan. Oh, teka, wala munang kakabahan dahil narito na ang ilang tips para mas ma­ging confident kayo sa inyong interview:

1. DO A LITTLE REASEARCH. For sure, hindi mawawala ang ilang mga tanong tungkol sa kumpanya, mga bagay na ginagawa nila at kaunting history ng kumpanya.

Hindi mo naman ka­ilangang alamin lahat, besh, mas mabuti nang may kaunti kang alam kaysa nganga ka kapag tinanong ka tungkol sa kumpanya.

2. PHYSICAL PRE­SENCE SPEAKS. Ba­gama’t, may kasabihang “don’t judge the book by it’s cover”, hindi natin ma­itatanggi na isa pa rin sa mga tinitingnan ang pisi­kal na anyo.

Dehins naman masa­ma kung maglalagay tayo ng kaunting effort sa pag-aayos at pananamit. Sigu­radong plus points ito sa ating pag-a-apply!

3. DON’T BE AF­RAID TO BE YOU. Ayon sa ilang mga HR manager, nagiging inti­mi­dating ang interview sa mga aplikante kaya uma­aakto ang indibidwal na iba sa kanyang persona­lidad.

Kaya mga besh, ‘wag kang matakot na iharap ang totoong ikaw dahil ang pagiging totoo ang pi­na­kamagandang maipa­kikita sa interview. Okie?

4. EXPECT THE UNEXPECTED. Yes, beshy! Huwag kang mas­yadong mag-focus sa mga tanong na ‘tell me about yourself’, ‘where do you see yourself in 5 years?’ at iba pa.

Bagkus, pag-isipan mo rin ang mga bagay na hindi kadalasang itinata­nong sa job interview.

5. ANSWER WHAT WAS ASKED. Mara­ming naniniwala na mas mabuti na mag-over-answer kaysa mag-under-answer, pero, ayon sa mga HR person­nel, isa umano itong senyales na hindi marunong sumunod sa patakaran ang indibidwal.

Kaya mga besh, ma­ging direkta sa inyong pag­sagot at huwag nang mag­paliguy-ligoy pa. Okie?

6. DON’T PANIC. Isa umanong misconcep­tion ang paniniwalang ang mabagal na pagsagot sa tanong ay may negative point. Pero, ayon sa hiring manager, hindi nila ina­asahan na kayang sagutin ng aplikante ang lahat ng mga tanong, ngunit, nais nilang makita ang kapasi­dad ng indibidwal na su­ma­got sa tanong na mas mataas sa kanilang kaala­man.

Oh, ayan mga besh, bago kayo tuluyang su­mabak sa inyong sche­duled interviews, make sure na nabasa ninyo ang mga ito, ha?

Siguradong kering-keri n’yo ‘yan!

Good luck, mga beshy!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page