top of page
Search
  • BULGAR

Karagdagang hospital beds sa mga pampublikong ospital, aprub!

BAGO tuluyang nagsara ang ating sesyon sa Senado nitong nagdaang linggo, pinilit nating ihabol ang pangarap ng mga kababayan natin na magkaroon sila ng maayos na ospital.

Tagumpay naman tayo at salamat sa tulong at pang-unawa ng ating mga kasamahan dahil inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang-batas para sa pagdaragdag ng hospital beds sa 16 na ospital.

Bilang chairman ng Senate Committee on Health and Demography, tayo ang sponsor at nanguna para maaprubahan ang mga panukalang ito na tiyak na magbibigay ng ginhawa sa mga pasyenteng naka-confine.

Ang mga ospital ay ang Eversley Childs Sanitarium Hospital, Mandaue City, Cebu; Tondo Medical Center, Manila City; Ziga Memorial District Hospital, Tabaco, Albay; Dinaig Municipal Hospital, Datu Sinsuat, Maguindanao; Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Marikina City; Governor Celestino Gallares Memorial Hospital, Tagbilaran, Bohol; Don Emilio del Valle Memorial Hospital, Ubay, Bohol; Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium, Tala, Caloocan City at Mariveles Mental Hospital, Mariveles, Bataan.

Kasama rin ang Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center, Batac City, Ilocos Norte; San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital, Malabon City; Southern Philippines Medical Center, Davao City, Davao del Sur; Valenzuela Medical Center, Valenzuela City; St. Bernadette Children and Maternity Hospital, San Jose del Monte City, Bulacan; Masbate Provincial Hospital, Masbate at Mindanao Central Sanitarium, Pasobo­long, Zambonga City.

Sa ating pag-iikot sa mga ospital, nakita mismo ng dalawang mata natin ang mga pasyenteng nasa pasilyo na “sharing” pa ang iba sa lumang kama. ‘Yan ang sitwasyon sa mga pampublikong ospital na pinagsisi­kapan nating baguhin kaya ating isinulong ang mga panukalang madagdagan ang mga kama para sa mga pasyente.

Kapag naging batas na ang Universal Health Care, magkakaroon na ng maraming health facilities na kumpleto sa gamit, maayos at sapat na kama sa mga ospital.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page