top of page
Search
  • BULGAR

Good news ng mga nagtatrabaho sa gobyerno!

NGAYONG 2019, nakatakdang i-release ang fourth tranche ng salary adjustment para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Subalit, hindi nasunod ang schedule ng salary increase na dapat ay noong January ipinatupad.

Ayon sa Department of Budget and Management, ang delay ay dahil sa hindi pa rin naipapasa ang General Appropriations Act.

Pero, napag-alaman natin kay Sen. Loren Legarda, chairperson ng Senate Finance Committee na puwedeng kunin ang pondo para sa salary increase mula sa Miscellaneous Personnel Benefit Fund (MPBF).

At least P75 billion ng MPBF ay nakalaan para sa “payment of compensation adjustment” at “funding requirements for staffing modifications and upgrading and salaries,” na maaaring gamitin ng DBM para sa increase.

Base sa estimate ng DBM, aabutin ng P40 hanggang P50 bilyon ang kailangan para sa salary increase ng government workers. Ibig sabihin, may matitira pa.

Kaya, umaasa tayo na ngayong February ay maire-release na ang fourth tranche ng salary increase.

Malaki ang maitutulong nito lalo pa at nalalapit na ang pasukan at para na rin makapag-adjust ang mga government employee sa taas ng presyo ng mga bilihin.

Mabuti na lang at nagbigay na rin ng commitment si DBM Sec. Benjamin Diokno na ire-release nila ngayong buwan ang fourth tranche ng salary increase sa pagkakapasa ng GAA.

Tayo naman, sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso ay may commitment din na ipasa ang GAA bago mag-session break.

We realize the urgency of passing the budget soon. Asahan ninyo na patuloy tayong kumikilos para masiguro na maipapasa ang budget na gagamitin para sa sama-sama nating pag-unlad.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page