top of page
Search
  • A. Servinio

PATTS AT ST. DOMINIC, MATIBAY SA KORONA NG ISAA VOLLEYBALL


MATAGUMPAY na nanatili sa PATTS College of Aeronautics at Saint Dominic College of Asia ang kanilang mga korona sa Men’s at Women’s Volleyball ng 10th Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA) Biyernes sa La Consolacion College-Manila Gym. Ito ang ikatlong sunod na tropeo ng PATTS habang dalawang taon na ang pag-reyna ng SDCA.

Winakasan agad ng SDCA ang kanilang best of three serye kontra Trinity University of Asia, 19-25, 25-21, 25-22 at 25-15. Sa unang laro noong Miyerkoles sa PATTS, nakuha ng Trinity ang unang dalawang set bago bumawi ang SDCA sa limang set, 24-26, 31-33, 25-20, 25-18 at 15-8. Sa huli nanaig ang lamang ng SDCA sa tangkad at karanasan. “Malaking hamon ang hinarap namin ngayong taon dahil anim lang na beterana ang bumalik galing sa koponan noong nakaraang taon,” wika ni coach Harold Pavia.

Sa panig ng kalalakihan, nahirapan ng bahagya ang Seahorses bago tuluyang walisin ang Immaculada Concepcion College sa kanilang serye, 25-23, 15-25, 25-15 at 25-16. Tinapos ng PATTS ang torneo na walang talo sa 13 na laro kasama ang Game One na may mga iskor na 25-21, 25-20 at 25-12.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page