top of page
Search
  • BULGAR

Worried sa namamagang braso ng kapatid na kinagat ng bubuyog

Dear Doc. Shane,

Nakagat ng bubuyog sa kanang braso ang kapatid kong bunso. Sabi niya ay sobrang kati raw nito subalit, hindi niya gaanong pinansin hanggang sa namaga ang parte na kinagat sa kanya. Ang problema, ang tagal mawala ng sugat at ang sabi sa amin ay dahil daw ito sa kanyang diabetes. Totoo ba ito?— Ingrid

Sagot

Ayon sa mga dermatologist, hindi dapat balewalain ang kagat ng mga insekto, lalo na sa mga bata.

Tinukoy ng doktor na nagkakaroon ng iba’t ibang epekto sa katawan ng tao ang kagat ng mga insekto, depende sa lagay ng kalusugan nito.

Makabubuting pakiramdaman ng pasyente ang kanyang sarili sa pagkakataon na nakagat ito ng insekto. Kapag nakaramdam ng hirap sa paghinga, pagkahilo, lagnat at pagdami ng mga pula sa balat, agad nang magpatingin sa doktor.

Paliwanag ng mga eksperto, may mga taong nagkakaroon ng allergic reaction sa kagat ng insekto, gayundin napakapeligroso nito para sa mga taong diabetic.

Kung nakagat ng insekto, kabilang sa mga unang dapat gawin o first aid ay sabunin ang bahagi na nakagat ng insekto, pahiran ng ointment na kontra sa pangangati o uminom ng antihistamine.

Gayunman, mas makabubuti pa ring magpakonsulta agad sa doktor kapag nakaramdam ng pagbabago sa paki­ramdam.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page