top of page
Search
  • BULGAR

Babala sa mahilig kumain ng noodles!

Dear Doc. Shane,

Ako ay nagkaroon ng fatty liver at natatakot akong lumala ito kahit na may gamot akong iniinom para rito. Gayunman, maaari ba ninyong talakayin ang mga pagkain na bawal sa ating atay? — Jay

Sagot

Ang atay ay mahalagang bahagi ng ating digestive system. Ilan sa mga function nito ay ang paglilinis ng dugo mula sa mga dumi sa loob ng ating katawan, pagtunaw ng taba mula sa mga kinain at pangangalaga sa glucose na nagbibigay sa atin ng sigla kaya tungkulin nating alagaan ang ating atay para mapanatiling malinis at masigla ang ating katawan.

Narito ang mga pagkain at inumin na maaaring makasama sa ating atay:

  • Herbal at dietary supplements — iba-iba ang maaaring maging epekto nito sa ating atay kaya mag-ingat sa mga ito. Bagama’t, maaaring epektibo, tandaang, puwedeng may side-effect ito sa ating katawan.

  • Pagkaing mataas sa sodium — ang sodium ay mabisang sangkap para sa maayos na pagdaloy ng fluids at pag-regulate sa blood pressure. Ngunit, maaari itong magresulta sa pananakit ng tiyan at labis na fluid sa atay kapag sumobra ang sodium sa katawan kaya iwasan ang instant noodles, de-latang pagkain at mga pagkaing maaalat.

  • Processed food na may maraming trans fat — ang trans fat o hydrogenated vegetable oil ay kalimitang matatagpuan sa mga processed food.

  • Prutas at matatamis na pagkain — bagama’t, hindi maitatanggi ang mga benepisyong hatid ng prutas, may ibang prutas na maaaring makasama kapag nasobrahan. Ang mga pagkaing karaniwang sagana sa fructose o fruit sugar ay hindi nakabubuti sa ating atay. Iwasan ang madalas na pagkain ng ice cream, cake at candy.

  • Pagkaing mamantika — ang mga pagkaing tulad ng pritong manok, french fries at iba pa ay maaaring magpataas ng bad cholesterol at magpababa ng good cholesterol. Ito ay maaaring magdulot ng fatty liver o matabang atay.

  • Inumin at pagkaing may high fructose corn syrup (HFCS) — ang HFCS ay karaniwang ginagamit na pampatamis sa softdrinks at fruit-flavored drinks.

  • Inuming may alkohol — nagdudulot ito ng pagkasira ng liver cells, pananaba at pamamaga ng atay, pag-malfunction ng atay (liver cirrhosis) at kanser sa atay.

Lahat ng labis ay nakasasama kaya ugaliing bantayan ang pagkonsumo ng mga nabanggit na pagkain at inumin at palaging tatandaan na mainam ang masiglang atay para sa mas magandang buhay. Gayunman, kung may mga sintomas ng karamdaman, makabubuting magpakonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng mas angkop na payo tungkol sa inyong karamdaman.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page