Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

OGERIO, 215-KM FINISHER, HERO ULTRAMARATHONER NG LAGUNA

July 24, 2018

 ITINANGHAL na kam­peon ng 1st Laguna Loop Endurance Run 2018- 215km si Master Lao Ogerio na tinahak ang paikot ng Laguna de Bay kasama ang 10 pang magigiting na Ultramarathoner na nagmula pa sa iba’t ibang probinsiya at Kamaynilaan.

 

Nagsimula ang karera sa Km 0 ng Luneta Park sa Maynila noong Hulyo 12, 2018, Biyernes ng 10:00 p.m.) patungong probinsiya ng Rizal, Laguna at pabalik sa Luneta upang mabuo ang 215km na may cut off time na 50 oras hanggang Hulyo 14, 2018, Sabado 11:59 ng gabi.

 

Sinuong ng mga mana­nakbo ang malakas na buhos ng ulan sa simula pa lang at ang pasilip-silip na init ng araw sa ibang bahagi ng ruta.

 

Nagkasubukan ng bilis, lakas at diskarte ang mga nangungunang runner. Nag­kampeon si Mr. Lao Ogerio mula sa probinsiya ng Ca­tanduanes.

 

Natapos niya ang karera sa oras na 44 na oras at 39 na minuto. Ito ang kanyang ika-13 kampeonato sa Ultra­marathon at pang 17 buckle.

 

Ang karerang ito ang maituturing na muling pag­babalik ni Mr. Ogerio sa Ultramarathon makalipas ang 2 taon na pahinga.

 

Ipinakita niya na hindi hadlang ang mga pinagda­anang pagsubok sa buhay para makabalik at makamit muli ang minimithing ta­gumpay.

 

Kasunod niya ng ilang segundo si Mr. Jovic Villa­cortes mula Northern Samar (44:43) 1st runner-up, Ru­ben Veran mula Plaridel Quezon (45:12) 2nd runner-up, Sam Sam Maniaul ng Manila (47:17), Raymond Nable Quezon (47:19), Mark Anthony Redondo mula Angono, Rizal (47:19), Ludovico Librilla Iloilo (49:17).

 

Bagama’t, may tatlong runner ang ‘di nakatawid ng finishline pinapurihan pa rin ang mga ito sa distansiyang kanilang nakayanang tapu­sin.

 

At dahil naging mata­gumpay ang kauna-unahang Laguna Loop Endurance Run 2018 ni Mr. Johannes Cua ay  muli nating aaba­ngan sa 2019 kung sino ang mga Ultramarathoner na  susu­bok sa race na ito at kung sino ang magkakampeon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr