Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bantayan ang mga iboboto, baka rebulto at hindi basketball court ang ipatayo!

May 13, 2018

MATT MONTOYA / ARANGKADA

 

  

HAPPY Sunday, mga ka-Arangkada! Eleksi­yon na bukas! Matagal na hinintay ng marami ito. Ilang taong pinost­pone ang importanteng kara­patan nating bumoto.

 

Sa sistema ng ating bansa para sa paghirang ng mga pinuno, ang eleksiyon ay ang pina­kamatindi at epektibong paraan upang magam­panan ng bawat isa sa atin ang direksiyon ng ating bayan. Nakapag­tataka lamang na bakit dalawang beses iniurong ang Barangay at SK Elections? Kung anu­man ang tunay na rason, atleast, ngayon tuloy na!

 

Bakit nga ba im­portante ang Barangay at SK Elections? Mga ka-Arangkada, ang ba­rangay ay ang tinata­wag na pinaka-“basic” na institusyon sa ating pa­munuan at hindi magka­karoon ng munisipyo, siyudad, probinsiya etc. kung walang mga baran­g­ay. Para sa ordinar­yong Pilipino, ito ang simbolo ng ating pag­sisilbi sa bayan. Ang mga barangay chairman, kagawad at SK leader ang nagsisilbi sa ating kinaro­roonan.

 

Sinasabi rin na rito nag­si­simula ang ugat ng korupsi­yon. Mababa man isipin ang kanilang mga puwesto ngunit, tandaan natin bawat baran­gay ay may naka­takdang budget mula sa munisipyo, Kongreso at pataas pa. Kung titing­nan natin, maliit lang ang sinasakupan at kung iku­kum­para natin ito sa pangkalaha­tang pagsisilbi tulad ng mga mayor at governor, oo nga, mababa ito, ngunit, mga ka-Arangkada, hindi lahat ng barangay ay pare-pareho.

 

Halimbawa na natin ang Barangay Bel-Air sa Makati City at Barangay San Antonio sa Pasig City. Ang dala­wang “maliit” na barangay na ito ay dalawa sa mga pinakamayamang barangay sa buong Pilipinas.Sinasakop nila ang Makati Business District at Ortigas Center Business District kung saan naglala­kihan ang mga building, daan-daang opisina at libu-libong empleyado ang nagtratrabaho. Bila­ngin n’yo na lang ang mga buwis, permit at ibang binabayaran sa barangay. P188 mil­yong piso ang kinita ng Barangay Bel-Air para lang sa taong 2017. Mas malaki pa ito sa budget ng ibang siyudad at probinsiya.

 

Power at pera ang hinahawakan ng ating barangay leaders. Kara­mihan ng korupsiyon ay nag-uumpisa sa ibaba. Hindi na natin kaila­ngang ulit-ulitin pa ang paalala, mga ka-Arang­kada sa tamang pagboto ng mga taong magsi­silbi sa inyong baran­gay. Pati  ang mga kabataan ngayon ay nahihila na rin sa matinding epidemic ng korupsiyon.

 

Ito na lang ang masa­sabi ng inyong lingkod, tandaan ninyong mabuti ang mga itinalaga ninyo riyan sa inyong barangay hall, siguraduhin ninyo na hindi sila maninira­han diyan at baka sa susunod na eleksiyon, rebulto na nila ang ipa­tayo at hindi basketball court.  Vote intelligent­ly, mga ka-Arangkada!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr