CRICKET WORLD CUP SA ‘PINAS

May 12, 2018

 

MAGIGING punong-abala ang Pilipinas para sa darating na East Asia-Pacific qualifying tournament ng 2020 T20 Cricket World Cup na gagawin sa Australia. Ito ay gaganapin simula Disyembre 1 hanggang 7, 2018 sa Emilio Aguinaldo College-Cavite sa Dasmarinas City.

 

Haharapin ng Pilipinas ang mga bisitang team mula sa Japan, Timog Korea at Indonesia kung saan ang kampeon ang tutuloy sa sunod na qualifying tournament.  Ang Pilipinas ang napipisil bilang paborito sa torneo. Bubuuin ang national team ng pinaghalong mga Filipino at dayuhan at pansamantalang kikilalanin bilang Philippine Carabaos.  Ayon sa mga alituntunin ng International Cricket Council (ICC), ang isang dayuhan ay maaaring kumatawan sa ibang bansa basta maabot niya ang sapat na taon ng paninirahan doon. 

 

Ayon kay Faisal Kahn ng Philippine Cricket Association (PCA), pinapasalamatan nila ang presidente ng EAC na si Dr. Paulino Campos dahil pinagamit niya ang dalawang hektaryang lupain na tinatayuan ng palaruan. Ito ay angkop sa sukat na itinakda ng ICC at maaaring hanggang 1,000 tao ang pwedeng manood ng mga laro.

 

Ang T20 ay isang uri ng Cricket na mas mabilis at tina­ta­yang tatagal hanggang 3 oras ang isang laro. Hindi ito tu­lad ng ibang paraan ng pag­laro ng sport na tuma­tagal ng ilang araw bago mala­man ang mananalo. Dagdag ni Kahn na sini­mulan na ng PCA ang nego­sasyon upang masama ang Cricket sa kalendaryo ng 2019 SEA Games na idaraos sa Pilipi­nas. 

(A. Servinio/ATD)

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.