Onli in da Pilipins na ang bise-presidente ng ‘Pinas ang naninira sa kapwa niya mga Pinoy

April 25, 2018

BOBI TIGLAO / Banat
 

  

DAHIL hindi matinag ang popularidad ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa bansa natin, eh, mukhang ang Partido Liberal at ang kanilang bise-presidente raw na si Leni Robredo ay tuluy- tuloy ang paninira sa ating pangulo at bayan sa labas ng bansa natin. 

 

Noong nakaraang linggo ay naglabas ng “resolusyon” ang tinatawag na European Par­­liament (na nagpapanggap na represen­tante ng 28 bansa sa Europa) na kumokon­dena raw sa kampanya ni P-Du­terte laban sa iligal na droga dahil 12,000 raw ang napatay ng mga pulis dito. Pati raw ang mga bata at  ka­babaihan ay pinagpapatay ng pulisya.

 

Napakalaking kasinungalinan nito.  Kat­hang-isip lang na 12,000 ang napatay. Batay sa opisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mula nang inilunsad ni P-Du­terte noong Hulyo 2016 hanggang Marso ay 4,075 lang ang mga napatay ng pulisya na mga nagtutulak ng iligal na droga  nang lumaban ang mga ito nang arestuhin sila. Wala rin na­mang mga pinatay na mga bata at kababaihan.

 

Isa pang kasinungalingan na nasa resolus­yon ng European Parliament ay ikinulong lang daw si Senadora Leila de Lima dahil matindi ang pagsalungat  nito kay P-Duterte. 

 

Ang katot­o­hanan ay marami ang isinam­pang kaso laban sa kanya na diumanoy tumang­gap siya ng milyung-milyong piso mula sa mga “drug lord”.

 

Dahil dito ay matumal ang kampanya laban sa iligal na droga sa ilaim ng administrasyong Aquino kaya ang raming mga adik sa bansa natin.

 

Isipin ninyo, dahil kay De Lima, eh, ang mis­mong Bilibid — ang dapat na pinakama­higpit na kulungan ng gobyerno na nasa panganga­siwa niya noong kalihim siya ng Justice De­partment  ay naging sentro ng pa­nga­ngalakal ng mga iligal na droga.  

 

Hindi ito tsismis: Mismong opisyales at mga drug lord pa ang tumestigo sa Senado na talagang sangkot si De Lima sa iligal na droga. 

 

Ang tanong ngayon: Sa pagkalayu-layo ng Eu­ropean Parliament sa bayan natin, sa rami ng mga problema sa Europa at Middle East na malapit sa kanila, bakit nagkaroon pa sila ng interes sa Pili­pinas?

 

Ang kapani-paniwalang  sagot:  Ang mga opisyal ng Partido Liberal ang nagbigay ng mga maling imporasyon at pinakiusapan ang mga kaibigan nila sa European Parliament  na maglabas ng resolusyon laban kay P-Duterte.

 

Isang kasamahan nila ang nagparatang na si Robredo raw mismo ang kumausap sa mga tao sa Alemanya na may mga kaibigan sa Eu­ropean Parliament at nagbigay ng mga maling impormas­yon na nagresulta ng ganu’ng resolusyon noong Abril 18.  

 

Nasa Alemanya si Robredo at iba pang mi­yembro ng Partido Liberal bago lumabas ang resolusyon.  Ang nagbayad pa sa biyahe nila ay ang pundas­yon sa Alemanya na Friedrich Nauman Foundation.

 

Kilala ang grupong ito na malapit sa mara­ming miyembro ng European Parliament.

 

Hindi kataka-taka na siraan ni Robredo si P-Du­terte. Mas grabe pa nga ang ginawa nito noong nakaraang taon nang nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng video message na 7,000 raw ang napapatay sa kampanya ni P-Du­terte laban sa droga. 

 

Imbentong numero ito ng isang media sa internet. Ang totoo ay 2,555 lang ang naiulat ng pulisya na mga namatay na mga sangkot sa ili­gal na droga.

 

Ano ang nangyayari sa bansa natin? Mis­mong ang bise-presidente natin ay sinisiraan tayo?

 

Siyempre, itinanggi ni Robredo ang ulat na ito at peke raw ang balitang ito.

 

Siyempre, itatanggi rin niya ang pagkaka­sangkot niya sa paninira sa bansa natin. Eh, kung ‘yung pandaraya niya sa eleksiyon noon ay itinatanggi nga niya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.