Kung saan nakukuha ang an-an at kung ano ang lunas dito

February 6, 2018

SHANE M. LUDOVICE, M.D / Sabi Ni Doc

 

  

Dear Doc. Shane, 
Napansin ko ang mga puting patse-patse sa aking mukha at ang sabi ng kaibigan ko ay para raw itong an-an. Ang pangit tingnan dahil ‘di naman kaputian ang aking balat kaya mas halata ito. Ano ang dapat kong gawin o ipahid at saan ito nakukuha?— Estela

 

Sagot
Ang an-an ay sakit sa balat na sanhi ng fungal infection. Ang an-an o tinea versicolor ay kadalasang nangyayari kapag ang isang uri ng fungus na natural na umiiral sa balat ng tao ay biglang dumami. Ang fungus na ito ay sumisira sa ibabaw ng balat at nag-iiwan ng mga puting patse sa balat.


Posibleng  magkaroon ng an-an kapag:

  • Oily skin

  • Naninirahan sa lugar na mainit ang klima

  • Pawisin

  • Mahina ang immune system

Ang organismo na sanhi ng an-an ay pangkaraniwan sa balat ng tao. Kaya ‘di tulad ng iniisip ng karamihan, ang an-an ay hindi nakahahawa. Ang sakit na ito ay puwedeng makaapekto sa lahat ng uri at kulay ng balat ngunit, mas karaniwan ito sa teenagers at young adults.


Kung ikaw ay sasangguni  sa doktor, maaaring bigyan ng iba’t ibang gamot tulad ng cream, lotion o shampoo na maaaring ilagay sa apektadong bahagi ng katawan ng pasyente. Sa mga malalang kaso na hindi na kaya ng papahid-pahid lang, maaaring magreseta ang doktor ng iniinom na gamot o injection.
Ngunit, dahil ito ay kadalasang sakit ng mga Pilipino at ang iba sa atin ay walang kakayahang magpatingin sa doktor, ang an-an ay kadalasang nagagamot gamit ang pamilyar na mga pamamaraan tulad ng salicylic acid.


Ang salicylic acid ay isa sa pinakamura at mabisang paraan ng paggamot sa an-an. Ito ay nabibili sa mga botika sa murang halaga. Pagkatapos maligo, patuyuin ang buong katawan lalo na ang bahaging may an-an. Kumuha ng bulak, basain ito ng salicylic acid at ipahid sa apektadong mga bahagi. Tandaan, ang salicylic acid ay nakasusunog ng balat kaya dapat mag-ingat sa paglalagay nito. Ito ay maaaring ulitin pagkaraan ng dalawa o tatlong araw hanggang sa maalis na ang kakaibang mga patse sa balat.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.