Search
  • BULGAR

'Yun lang pala ang gamot… KRIS, BIGLANG GUMALING NANG MAGKAROON NG TV SHOW

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 30, 2020




Kapansin-pansin ang kakaibang sigla at glow ngayon ni Kris Aquino simula nang pumirma siya para sa kanyang bagong show na mapapanood sa tv5 na ngayon ay makikilala na bilang OneTV.


Hindi mo sukat-akalain na a few months ago, isang payat, haggard at sakiting Kris Aquino ang nakikita sa kanyang mga posts sa social media, lalo na noong panahon na inaatake siya ng kanyang mga allergies.


Halos bawal lahat ang gusto niyang kainin at hindi siya basta-basta nakakalabas ng bahay dahil sa maselan niyang kalagayan.


Naranasan din niya ang buhay-probinsiya nang inabutan siya ng lockdown sa resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera sa Mindoro.


Ngayon, ibang Kris Aquino na ang nakikita ng lahat. May nabago sa kanyang aura. Ang pagkakaroon lang pala ng trabaho ang gamot sa kanyang iniindang sakit. Nawala ang kanyang karamdaman at depression.


Bumalik na ang dating Kris Aquino na masayahin at ismarte. Marami na ang nag-aabang sa detalye ng iho-host niyang TV show. Ano raw kaya ang format nito — showbiz, lifestyle, political o talent search?


Pero bawal na bawal ngang magsalita si Kris dahil sa confidentiality clause ng pinirmahan niyang kontrata.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.