top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

YAMAN NI WILLIE, NASA P5 B NA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 1, 2023




Batay sa huling report tungkol sa Wowowin host na si Willie Revillame, umabot sa P5 billion ang halaga ng mga assets and properties na naipundar niya. At ito’y kinita niya sa kanyang pagiging host sa mga shows niya.


Karamihan sa mga properties niya ay nasa real estate, sa kanyang mansion, vacation house sa Tagaytay at private resort sa Puerto Galera, Mindoro, may mga yate, private planes at choppers din siya.


Meron din siyang collection ng mga luxury cars at mamahaling paintings na milyun-milyong piso ang halaga. Kaya fake news ang balitang nagbebenta na siya ng mga properties dahil naghihirap na.


Wala na raw kasing pumapasok na pera kay Willie dahil nawalan siya ng TV show, pero sabi ng mga malalapit na kaibigan niya, kahit ten years daw itong hindi magtrabaho, mamumuhay pa rin nang maginhawa si Willie.


Secured na rin ang future ng kanyang mga anak. May inilaan na siyang kabuhayan para sa mga ito. Kung sakali man na nagbabawas o nagbebenta na si Willie ng mga properties, ‘yun ay dahil sa hindi na niya natututukan at naaasikaso ang mga ito, tulad ng kanyang hotel sa Tagaytay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page