Search
  • BULGAR

Work from home at online classes, yari sa bagal ng internet

@Editorial | June 28, 2020



Kumusta ang kalidad ng inyong internet connections?


Kabilang din ba kayo sa mga nagrereklamo laban sa telecommunication companies?

Kasabay ng COVID-19 pandemic, unti-unti ay nag-a-adjust na rin tayo at dapat ding makiayon ang mga serbisyong inihahatid sa publiko, tulad nga nitong internet.


Marami nang empleyado ang naka-work from home, ganundin ang mga opisyal ng gobyerno na madalas ay gumagamit ng video conferencing.


Kasunod nito ang pagdami rin ng bilang ng mga guro at estudyante na gagamit ng gadgets bilang instructional tool.


‘Yung bagal ng internet noon dahil sa rami ng gumagamit ay mas nadagdagan ngayon at mas madaragdagan pa sa mga susunod na araw.


Ang tanong sa mga telcos, kaya pa ba? At ang tanong din sa gobyerno, may magagawa ba sa usaping ito?


Ito ang ating aabangan sa nakatakdang pagdinig sa Kongreso.


Malalaman natin kung nasolb na ba ang sangkaterbang reklamo ng mga customers at kung ano ang mga hakbang na ginagawa ng mga telcos para maging maayos ang paghahatid ng kanilang serbisyo.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.