Search
  • BULGAR

WHO, wala nang kredibilidad kaya hindi na pinaniniwalaan kahit todo-babala pa sa COVID-19, hays!

ni Ka Ambo - @Bistado | July 01, 2020



Ayon sa World Health Organization (WHO), hindi pa tapos ang pandemic, bagkus ay gumagrabe pa nang gumagrabe.


Humigit-kumulang 500,000 na ang namamatay sa COVID-19 sa buong mundo!


◘◘◘


Kahit ano’ng babala ngayon ang gawin ng WHO, kakaunti na lang ang naniniwala sa kanila.


Nawalan sila ng kredibilidad.


Sinira kasi nila ang ekonomiya ng buong daigdig dahil sa hindi tiyak at malalabong datos ay payo sa mga gobyerno!


◘◘◘


Hindi napigil ng WHO ang pandemic na kumalat sa buong mundo kasama ang U.S..


Ang malaking bulto ng pondo ng WHO ay nagmumula direkta sa gobyerno ng US.


Layunin ng naturang pondo, sintido kumon — ay upang mailayo o maproteksiyunan ang Kano mula sa anumang pandemic.


Malinaw na balewala ang naturang pondo at inutil ang WHO na mapigil ito!


◘◘◘


Nangangapa rin ng datos at nanghuhula lamang ang mga WHO experts dahil hindi nila magawang ipaliwanag nang maayos kung “ano’ng klase ng virus” ang COVID-19.


Bigo rin ang WHO na magbigay ng payo upang naipreserba ang maayos na daloy o takbo ng ekonomiya sa buong daigdig!


◘◘◘


Imbes na gawing panatag ang kalooban, isip at kaluluwa ng mga lider at buong populasyon ng daigdig—takot, pangamba at kawalan ng pag-asa ang kanilang ikinakalat sa modernong komunikasyon sa daigdig.


Inalisan nila ng pananagutan ang China na pinag-ugatan ng pandemic!


◘◘◘


Walang maayos na pagsusuri, pagsasaliksik at pag-aaral sa loob ng China kaugnay ng COVID-19.


Trabaho ng WHO na magsuri sa kasuluk-sulukang lugar ng China upang maunawaang mabuti ang COVID-19.


Pero, hindi nila ito nagawa!

◘◘◘


Sa Pilipinas, sinasabing lumalala ang sitwasyon.


Pero, walang naniniwala sapagkat sabik na sabik ang mga tao na makapagtrabaho upang mabuhay nang maayos at mapayapa.


Hindi naniniwala ang taumbayan na grabe ang sitwasyon.


Ang dahilan, bigo ang DOH at gobyerno na maglabas ng kapani-paniwalang impormasyon at datos!


◘◘◘


Ang mga kaduda-dudang datos, mababaw na paliwanag at paglabag sa protocol ng mga mismong opisyal ng gobyerno kasama ang isang mataas na opisyal ng PNP—ay nagbubunga ng kawalan ng tiwala ng mamamayan.


Imbes na sibakin ng Malacañang ang wala nang kredibilidad na sina Health Sec. Francisco Duque III at NCRPO chief Debold Sinas—patuloy pa rin sila sa implementasyon kaugnay sa COVID-19.


Dapat pikit-matang ipatupad ni P-Digong ang kanyang direktiba, partikular sa mga lumalabag sa protocol—kaibigan man niya o hindi!


◘◘◘


Kredibiilidad ang pinakamahalaga sa panahon ng pandemic.


‘Yan ang aktuwal na krisis sa loob Malacañang!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.