Search
  • BULGAR

Welder, arestado sa shabu

@Balitang Probinsiya | June 26, 2020



NUEVA VIZCAYA—Inaresto ng pulisya ang isang welder nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Osmeña, Solano.


Kinilala ang suspek na si Jan Dannel Martinez, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing barangay at nang pagbentahan sila ng shabu ni Martinez ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.