top of page
Search
  • BULGAR

Wa' pa raw 'K'… ANGEL, MAS MANANALO KAPAG TUMAKBONG CONG. KESA SENADOR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 1, 2020




Ilang beses nang itinatanggi ni Angel Locsin na may plano siyang tumakbo sa 2022 elections, pero patuloy pa ring lumulutang ang bali-balitang may political agenda siya at malakas ang backup sa kanya ng malaking partido, lalo na't sa mga latest surveys ay malakas at matunog ang kanyang pangalan among the senatoriables.


Pero sinasabi naman ng ilang political analysts, hindi sapat na batayan ang pagiging popular ng isang kandidato para lumusot sa eleksiyon. Maraming factors na dapat ikonsidera bago sumubo ang isang kakandidato sa mataas na posisyon.


Una, dapat ay may malaking partido na magba-backup at susuporta sa kanyang kandidatura. Kailangan ding may mga kilala siyang malalaking businessmen na aalalay at magbibigay ng financial support para sa kampanya.


Malaki ang pondo na dapat ilaan sa kampanya dahil kung sa pagka-senador siya tatakbo, iikutin niya ang buong 'Pinas upang mangampanya.


May mga nagsasabi naman na mas malaki ang chance ni Angel na manalo kung sa pagiging congresswoman ang tatakbuhin niya. Puwede rin na kumatawan siya sa isang partylist kung saka-sakaling mahikayat siya ng kanyang mga supporters. Kailangan niyang kumuha ng isang magaling na political adviser para mai-guide siya sa mga dapat niyang gawin kung papasukin nga niya ang political arena.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page