Search
  • BULGAR

Vista Residence, nagsalita na sa pagputol ng Pine Tree sa Baguio City

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Dinepensahan ng Condominium developer na Vista Residences, Incorporated ang pagpuputol ng mga puno sa Baguio city. Sinasabing inaprubahan daw ito at binigyan ng permit ng Department of Environment and Natural Resoruces (DENR).


Sa isang pahayag, sinabi ng Vista Residences na magbibigay sila ng 10,800 Benguet Pine seedlings sa local DENR kapalit ang pagputol ng 54 pine trees.


Aniya, “Bilang suporta sa National Greening Program, magbibigay kami ng 5,400 seedlings ng Benguet Pine sa local unit ng DENR. Dinoble pa naming ito matapos makipag-usap kay Mayor Benjamin Magalong noong June 25.”


Lubos namang ‘di sumang-ayon si Bishop Victor Bendico ng Diocese of Baguio sa pagputol ng mga puno para makapagpatayo ng bagong condominium sa lugar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.