Search
  • BULGAR

Unang kaso ng COVID-19, naitala sa Zamboanga Sibugay

ni Thea Janica Teh | June 24, 2020




Kinumpirma ni Zamboanga Sibugay Governor Wilter Palma na isang estudyante mula sa bayan ng Imelda na galing sa Cebu City noong June 16 ang nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang naka-admit sa quarantine facility.


“Sa loob ng tatlong buwan, wala kaming nakumpirmang COVID-19 positive. Patuloy naming hinihigpitan ang pagpasok at paglabas sa aming lugar para hindi kumalat ang virus,” sabi ni Palma.


Ipinahahatid din niya sa mga residente na patuloy ang pagsasagawa ng health protocols ng sa gayon ay maprotektahan ang kalusugan laban sa virus.


Kasalukuyan ng inoobserbahan ang estudyante at nagsasagawa ng contact tracing para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.