top of page
Search
  • BULGAR

Umorder daw ng kahun-kahong alcohol… ANGEL, HINAHABOL, PINAGBABAYAD NG ONLINE SELLER

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 9, 2020




Sinisingil ng isang netizen na may handle name na @miracle.baluyot ang actress na si Angel Locsin hinggil sa inorder umano nitong ilang kahon ng alcohol.


Sa Instagram account ni Angel ay nag-post ng comment ang netizen at sinabi pang “Hindi po tayo nagbibiruan dito.”


Sinagot ng aktres ang netizen at sinabing wala siyang inoorder na alcohol mula sa netizen.


Sey ni Angel, “@miracle.baluyot Sorry, wala po akong inoorderan ng alcohol dahil direkta po akong bumibili sa factory ng Rhea bilang endorser po ako at nakakakuha ng discount.”


Sumagot ang netizen at sinabing pangalan daw ng aktres ang nakasalalay kung hindi siya magbabayad.


Magalang pa ring sumagot si Angel at tinanong kung sino raw ba ang nakausap nito.

Nag-offer pa ng tulong si Angel na “Kung verified na na-scam po kayo, puwede ko hong i-repost 'yung convo ninyo para hindi na po makapanloko ng iba.”


Dugtong pa ni Angel, ibibigay na lang daw sana niya ang amount na naloko sa netizen dahil naaawa siya rito.


“Kaya lang, hindi na po tama na siraan at mag-file pa ng complaint sa akin, Ma’m. Uulitin ko po na hindi po ako ang kausap ninyo.


"Even 'yung name, mali po. Wala rin pong kinalaman ang Shop and Share bilang pcr tests po ang focus namin. I’m sorry naranasan n'yo po ito.”


Sinabihan din niya ang netizen na i-report ang insidente nang sa ganu'n ay hindi na muling makapanloko ang scammer.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page