Search
  • BULGAR

Tren nadiskaril dahil sa malakas na ulan

ni Lolet Abania | October 17, 2020



Kasalukuyang hindi madaanan ang Maharlika Highway sa bahagi ng Gumaca, Quezon dahil nakahambalang ang isang nadiskaril na tren ng Philippine National Railways (PNR). Patungong Bicol ang tren ng PNR na nanggaling sa Maynila kaninang umaga nang madiskaril sa bahagi ng Barangay Lagyo sa Gumaca, Quezon. Nawala sa riles ang tren at rumampa ito sa kalsada.


Nakaharang sa ngayon ang tren sa Maharlika Highway kaya hindi madaanan ng mga sasakyan. Pinapayuhan ng local government unit (LGU) ng Gumaca, Quezon ang mga biyaherong papunta ng Bicol o Maynila na pansamantalang dumaan sa Gumaca Diversion Road dahil parehong isinara ang south bound at north bound ng lugar.


Ayon sa report ng PNR, posibleng nadiskaril ang tren dahil sa lumambot ang lupa at lumubog ang pinagkakabitan ng railings nito sanhi ng malakas na pag-ulan noong mga nakaraang araw sa nasabing lugar. Wala namang nasaktan sa mga pasahero ng tren.


Hinihintay pa rin ang sasakyang hihila at mag-aalis sa nakahambalang na tren.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.