Search
  • BULGAR

Treatment para labanan ang breast cancer

ni Lolet Abania | July 30, 2020




Bukod sa pandemya ng covid19, nagiging problema rin ang pagpapagamot ng iba pang sakit, tulad na lang ng pagkakaroon ng breast cancer. Sa halip na magpunta ang mga pasyente sa ospital nagkakaroon ng takot na maaring tamaan sila ng coronavirus. Subalit, importante na nagpapacheck-up sa doktor upang hindi na ito lumala pa. Heto ang maaring treatment laban sa breast cancer.


1. Surgery. Marami ang ganito ang nais gawin, ang alisin agad ang tumor. Isang operasyong tinatawag na lumpectomy, na inaalis ang bahagi ng breast na may cancer, breast-conserving surgery rin ang tawag dito. Isa pa ang mastectomy, ang pag-aalis ng buong breast ng mga doktor. Subalit, walang garantiya na kahit na naalis na ang buong breast ay hahaba na ang iyong buhay, dahil depende ito kung gaano kalala ang breast cancer.


2. Radiation. Gumagamit ang treatment na itong high-energy waves para patayin ang cancer cells. Karamihan, kahit na sumailalim sa lumpectomy ay nagpapa-radiation pa. Tumutulong ito para mapatay ang cancer cells na hindi naalis ng mga surgeon. Pinapayo rin ito ng mga doktor lalo na kung ang breast cancer ay kumalat na.


3. Therapy. Maari ring isagawa ito, depende sa payo ng doktor. Ang Chemotherapy, dito iinom ka ng drugs, pills o sa pamamagitan ng IV para gamutin ang sakit. Maganda ang chemo, pero nakasisira ng healthy cells dahil may side effects ito tulad ng hair loss, mouth sores at nausea. Ang Hormones Therapy, ang hormones estrogen at progesterone ay kayang magpalala ng iyong cancer cells, sa treatment na ito, bina-block nito ang mga hormones. Ang Targeted Therapy, dito nilalabanan ang mga nababago sa cells na humahantong sa cancer. Halimbawa, may cells na mayroong sobrang uri ng protein na habang tumatagal ay lumalaki o dumarami. Kayang i-block ng treatment na ito, ang mga protein sa pagdami at paglaki nito. May kaunting side effects lamang ang ganitong treament.


Maaring mahirap para sa may ganitong sakit, subalit kailangan pa rin ang pagpapacheck up sa mga doktor para magamot ang sakit. Tandaan natin na dapat alagaan ang ating kalusugan. Okie!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.