top of page
Search
BULGAR

Transport groups, dapat magkaisa para sa kapakanan ng lahat

@Editorial | April 15, 2024



Ngayong araw ang inaasahang simula ng tigil-pasada ng Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) at Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA, kaugnay pa rin ng mga isyu sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).


Kaugnay nito, isang public transport alliance naman ang nagsabi na hindi na raw uso ang transport strike. Ayon sa Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), na binubuo ng pitong transport groups, hindi sila sasama sa tigil-pasada dahil ito ay kanila nang pinagdaanan at naniniwalang pahirap lang ito sa mga pasahero. Katwiran pa nila, nabigyan naman ng pagkakataon ang mga ito at hindi pa rin sila sumunod sa consolidation ng mga jeep.


Ang tanong tuloy ng publiko at ng ibang opisyal ng gobyerno, ano ang nangyari sa pakikipag-usap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga transport group habang naka-extend ang deadline ng PUV consolidation? Bakit may mga kontra pa rin?


Dahil dito, may mga naniniwala na marami pang isyu na bumabalot sa kontrobersiyal na PUV Modernization Program na kailangang mabigyan ng linaw, tulad ng pagpopondo para sa modern jeepneys at requirements para sa transport cooperatives.


Kailangan ding malaman ang saloobin ng mga komyuter, stakeholders, gayundin ang mga kumukontrang transport groups.


Sa huli, umaasa tayo na mabibigyang linaw na ang lahat bago pa ang deadline. 

Para sa ating mga operator at driver, sa halip na magbanggaan, mas mangibabaw sana ang pag-uunawaan at pagkakaisa para sa bagay na magpapabuti sa kapakanan ng lahat. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page