Search
  • BULGAR

Total ng COVID-19 testing facility sa ‘Pinas, nasa 69 na- DOH

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Mayroon ng total na 69 laboratories sa buong Pilipinas ang lisensyado na magsagawa ng testing para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Binigyan ng accreditation ng Department of Health ang limang bagong laboratory na maaari ng magamit. Sa ngayon, mayroon ng 50 accredited polymerase chain reaction (PCR) facility at 19 GeneXpert laboratories ang Pilipinas.


Ang mga bagong PCR laboratories ay ang San Miguel Foundation Testing Laboratory, Qualimed Hospital Sta. Rosa at Prime Care Alpha COVID-19 Testing Laboratory.


Accredited na rin ang mga GeneXpert facility sa National Kidney and Transplant Institute at Sta. Ana Hospital.


Bukod pa rito, mayroon pang 166 laboratories ang sumasailalim sa proseso ng accreditation ng DOH.


Noong June 27, umabot na sa 635,395 indibidwal ang na-test ng mga laboratory na ito.


Samantala, umaabot naman sa 13,514 sample ang bilang ng naproseso sa 63 laboratories noong nakaraang linggo. 6,947 dito ang nagpositibo sa COVID-19 na may weekly positivity rate na 7.91%.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.